← Browse stories

“Takbuhan ng GF ko yung Bestfriend niya”

Apr 20, 2026

Estimated reading time: 3 minutes

Vince po, 24, College student. May girlfriend po ako ngayon na lagi po kaming nagaaway, first gf ko po siya kaya todo suyo po ako tuwing magaaway kami. Pero may mga araw na 1-2 days na hindi siya magpaparamdam, binoblock pa nga po ako. Kaya nahihirapan akong suyuin siya kapag ganun, kasi kahit sa bahay nila wala siya. The thing is nasasaktan po ako sa mga nangyayari kaya ang ending kapag nagchat na siya o di naman kaya ay tumawag sakin, sumasaya po talaga agad ako. Sense of relief ba.

Pero may nalaman po ako nung one time na nag-away kami. That time po, nakablock din po ako sa kanya. Kaya ang ginawa ko po pumunta po ako sa bahay nila agad para suyuin siya, pero nung malapit na po ako sa kanila, nakita ko po siyang lumabas ng bahay nila na kasama yung bestfriend niyang lalaki. Medyo naiinis ako kasi yung bestfriend niya yung lagi naming pinagaawayan. Kaya ang ending, imbis na lumapit ako, sinundan ko sila ng patago.

Mahaba haba yung nilakad nila, kumain din sila sa fast food at sa mga turo-turo. Normal lang naman yung ginagawa nila, normal para sa mga nagda-date. Gusto ko lumapit sa kanila pero di ko magawa, baka kasi magalit pa siya lalo. Kaya tinuloy ko yung pagsunod.

6pm na pero hindi pa rin sila tapos, kinakabahan na ko kasi malapit ng maubos yung pera ko, kaya iniisip ko na itigil na rin yung pagsunod. Pero nagdecide pa rin ako na sundan sila for the last time nung gabing yun. Nagulat po ako at naiyak sa pinuntahan nila. Sa dami dami ng pwedeng puntahan, sa sogo pa talaga. Kahit balibaliktarin man nila yung kwento, iisa lang naman yung gagawin nila doon. Kaya umuwi na lang ako kahit masakit, kahit galit na galit ako.

After that night, nag hintay po ako ng 2 days, baka kasi ichat niya ko. Nag chat naman. Di ako nagtanong, nag act lang po ako na kunwari ay di ko alam. Pero, ilang months na yung lumipas paulit-ulit lang po yung ginagawa nila tuwing mag aaway po kami. Ginagawa niya pong takbuhan yung bestfriend niya tuwing mag-aaway kami. Ang masakit, naging routine na nila yun. Ayoko po hiwalayan siya kasi 1st girlfriend ko siya, pero nasasaktan po talaga ako sa nangyayari. Parang di ko kasi kaya na wala siya sa buhay ko. Wag niyo po sana akong ibash, pero di ko po kasi talaga alam ang gagawin. Paano po ba to?

More from PhilUpdate

Share your story →