← Browse stories

“Siniraan ako ng Sarili kong pamilya sa harap ng parents ng GF ko”

Apr 20, 2026

Estimated reading time: 3 minutes

Good Day po. Mike po pala, 28 yrs old. Accounting Manager sa isang accounting firm dito sa Marikina. Di naman po kalakihan yung sahod ko noon nung una, pero enough naman na po ito for our family. Proud po ako sa family ko kasi simula bata ako di nila ako sinukuan at pinagraduate pa nila ako. Kaya ngayon binabalik ko po yung mga bagay na sinakripisyo nila. Di man katulad ng ginawa nila, still binibigay ko yung best ko.

But, one time, nalaman kong di pa pala enough yung ginagawa ko. Like ano pang need? Tinanong ko sila, pero ang sagot nila ako na daw bahala ang umalam. Di naman ako manghuhula para malaman kung ano iniisip nila or kung ano yung gusto nila. Ginawa ko yung best ko sa trabaho para naman sakaling mapromote, madagdagan yung sahod. And ayun, napromote nga, na ngayon ay Accounting Manager na. Kala ko okay na, kaso, yung expectation ng family ko ay tumaas din. Ganun pala yun!

So, ito na nga nagkaroon ako ng gf, at ngayon ay soon to be fiance ko na. Nagkaroon kami nag meet together with both families na meron kami. So far, nung una ay okay pa naman yung usapan. Getting to know both families. Pero yung kwentuhan, napunta sa pagalingan. ‘Ang galing ng anak ko”, “natapos niya to”, “nabigay niya to” at “may ganito na siya” yan yung sinabi ng mga magulang ng girlfriend ko sa mga magulang ko. Ang gaganda ng mga sinabi nila sa anak nila, Kaya medyo kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko tungkol sakin.

Excited ako na kinakabahan sa sasabihin nila tungkol sakin. Pero, lahat ng yon napalitan ng hiya at galit. Si Mama, bigla niyang sinabi na di ko daw kaya ibigay yung mga gusto nila. Hindi ko daw sila binibigyan ng ganito. Hindi daw ako magaling, di katulad ng ibang kapatid ko na malayo na yung narating. Naisip-isp ko na ginawa ko naman yung makakaya ko, pero bakit di sapat. Nakayuko na lang ako habang binabanggit nila yun sa mga parents ng gf ko. Di ako makatingin sa mga mukha nila. Gusto kong umalis that time. Pero, dahil magkakasama kami doon at nirerespeto ko lahat ng nandon, I choose to stay. Kahit masakit sa puso.

Pero, lahat ng sakit at hiya, biglang nawala. Napatingin ako kay mama nung marinig ko yung sinabi niya. Hindi ko makakalimutan lahat ng mga sinabi niya. “Pero, Kahit hindi niya kayang ibagay yung mga bagay na gusto namin. Ginagawa naman niya yung best niya para ibigay yung mga bagay na kailangan namin para hindi kami mahirapan. He choose to give want we need the most than the beautiful things that we can only use once. Kaya kahit anoman yung sabihin ng ibang tao. At kahit anoman yung marating ng anak ko. Proud ako sa Kanya”. Hindi ko napigilan yung pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko that time, pero ang gaan ng pakiramdam ko. Yung feeling na yung taong nirerespeto at minahal mo ay ganun yung sasabihin sa iyo. Kaya sa mga taong katulad ko, wag kayong mawalan ng pag-asa. Gawin niyo lang kung ano ang tama at magpapasaya sa mga taong nasa paligid niyo. Just be you. Thats all.

More from PhilUpdate

Share your story →