
Gusto ko sanang mag rant dito, pwede po ba? 28M, working po. Nakakakinis lang po kasi. Nag rerent po akong sa isang dorm, bedspace po, so may ka roommate po ako, 6 months na kaming magkasama sa kwarto. Abay walanghiyang roommate to, hindi marunong maglaba at maglinis. Yung mga nilalabhan niya, pambihara, literal na isang laba isang banlaw, kaya yung mga damit niya maamoy-amoy sabon pa. Isasabit lang niya yun sa kwarto namin, ang ending amoy kulob na hindi mo maintindihan yung amoy sa loob ng kwarto. Di ko alam kung anong bahay to nakatira, bat ganito yung ugali nito. Kung makakaalis lang talaga ako dito, kung may mahahanapan lang sana ko na pwede pang pagrentahan na mura at malapit lang dito, kaso wala.
Tapos ito pa, Kapal pa ng mukha, nagdala pa ng babae niya. Akala ko nga magtatagal silang tumambay doon. Di siguro kinaya yung amoy, kaya nag aya lumabas yung girl. Ang masakit, ako pa ata yung napagbintangan sa amoy na yun. Di ako makapagpigil sa inis. Ayoko magmura pero, nakaka***** talaga. Ang dugyot niya!
Pero ito pa, isang araw nagulat ako, di ko makita yung damit na gagamitin ko dapat sa birthday na pupuntahan ko. Naghanap nako lahat lahat sa buong kwarto pero wala pa din. Ang ending bumili na lang ako ng bago, naglagay na lang ako ng pabango para di amoy bago. Pag dating ko sa event, Pambihira! Kasama pala yung loko sa birthday na pinuntahan ko. Ang kapal talaga ng Mukha, suot niya yung hinahanap kong damit. Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko, hinintay ko muna na lumapit siya, baka kasi ipa-alam niya na ginamit niya yung damit ko. Pero, wala, lumapit nga siya, proud pa ang loko. Kaya binulungan ko siya, out of respect, na isoli niya yung damit pag uwi. Nag sorry naman kaya okay na ko dun.
Naghintay ako ng ilang araw, pero walang damit na nasauli. Ang masakit, ako pa ang nawawalan ng mga damit. Nung hinanap ko nanggigil ako nung nakita ko sa labahan niya yung di lang isa, di lang dalawa, Sampung damit ko! Tapos nang tinignan ko at chineck ko, may mga sipon sipon pa! Dugyot talaga! Kaya nagrant ako dito ngayon kasi nanghihingi ako ng advice kung paano ko ba kokomprontahin to. Gusto ko na kasing bugbugin tong dugyot na to. Nagpipigil pa ko, medyo di pa nagpapakita sakin e, nagtatago siguro ang loko, pero chineck sa mayari, di pa naman daw umaalis. Di lang siguro kami nagtatagpo. Ano ba pwedeng gawin? Yung maayos sana, Ayoko rin naman kasing makulong dahil sa pangbubugbog, may pangalan tayong pinapangalagaan. Waiting po ako ma post to at makita yung mga comment nyo.