← Browse stories

“Pinalayas ko ang Anak ko”

Apr 20, 2026

Estimated reading time: 3 minutes

Hello, gusto ko sana ishare tong kwento ko. 48yrs old, female. Isa lang po ang anak ko at lalaki po siya. Maayos ko pong pinalaki ang anak ko. Masunurin naman po siya. Nabibigay ko rin lahat ng kailangan niya. And I know, hindi ako nagkulang sa kanya. Pero kahit anong alaga mo, pagpapalaki, at pagmamahal mo sa kanya ng maayos. May isang tao talaga na babago ng ugali niya. At dahil doon, pinalayas ko siya.

Nagsimula ang lahat ng makilala niya yung Girlfriend niya, na i think, ka-live-in na niya ngayon. Ito kasing Babaeng to, una pa lang may hinala na ako sa kanya, mother instinct kumbaga. But before that, yung anak ko lagi siyang umaalis ng bahay papunta doon sa girlfriend niya. Nakwento niya nga sakin na Halos 2 hrs na byahe ang kailangan para makapunta doon sa bahay ng gf niya. Kaya hanga din ako sa dedication niya nung una. Pero after 1 month, umuwi yung anak ko na kasama yung gf niya. Ang reason ay binugbogbog daw siya ng magulang niya at hinihipuan daw siya ng mga tito niya. Naawa ako sa kanya, lalo na nung marinig ko yung kwento niya. Pero parang may mali. Nakita ko yung ibang post na pinaghahanap siya at galit na galit sa kanya yung mga kamaganak niya. Kaya nag taka ako bat iba yung kwento niya. Kaya nagchat ako sa mga kamag anak niya.

Nalaman ko na kaya pala pinapagalitan siya dahil hindi siya mautusan sa bahay nila, ang nanyayari ay siya pa ang galit, kaya nabubugbog siya ng tatay niya, lalo na pag lasing. Laging magulo ang bahay nila dahil sa kanya. Kalat dito, kalat doon. Kaya nung malaman ko yun, inobserve ko siya. Tama nga! Batugan nga! Lagi silang nasa kwarto, tapos pag umaalis sila ay pinapasok ko yung kwarto ng anak ko. Shocks! grabe, yung underwear ng babae ay nakakalat lang sa higaan na para bang may katulong siya. Kaya nasabi ko sa anak ko na turaan niya maglinis ng mga gamit niya.

Sa tagal kong nagfocus sa babae nakalimutan ko yung anak ko. Late ko napansin na nagagaya na siya sa ugali ng GF niya. Doon na rin na nagsimula siyang sagot-sagutin ako ng pabalang. Nagagalit at sumisigaw kapag tinatawag para utusan. Like What, dito kaya nakatira sa bahay ko tapos di kayo mauutusan.

Tumagal ang ilang buwan, wala pa rin pagbabago sa babae, kaya baka lumalala pa. Kinausap ko na yung babae na kung okay lang na umuwi na siya or humanap na siya ng ibang matutuluyan niya. Nag agree naman siya, pero nagulat ako sa reaction ng anak ko. Dun siya nagsalita ng di maganda sakin, na bakit daw kailangan paalisin yung GF niya. Kinausap ko siya ng maayos, pero hindi niya tinanggap. Mas lalo pa siyang nagalit sakin. Napikon ako kaya sinampal ko siya sa harap ng gf niya. “Dito ka nakatira sa bahay ko, ako ang masusunod. Kung di ka susunod. Lumayas ka na lang, samahan mo yung girlfriend mo” grabe di ko makakalimutan yung mga sinabi kong yan. Ang sakit sa damdamin pero, pinalayas ko ang anak ko. Para na rin matuto siya. Wala naman kasi silang parehas na trabaho. Alam ko rin na may nangyayari din sa kanila. Kaya kung ano ang mangyari, consequences na ng ginawa nila yun.

Pero, after 7 months din siguro, bumalik yung anak ko, nagsosorry. 5 months na pala silang break ng gf niya. Nahihiya lang daw talaga siyang umuwi dahil sa mga nagawa niya noon. Still, pinagsabihan at kinomfort ko siya. Syempre, magulang pa rin tayo. Mahal natin ang mga anak natin, pero gusto rin natin sila matuto sa mga ginawa nila. Healing ngayon ang anak ko at syempre ako din. Thank you po.

More from PhilUpdate

Share your story →