Hello po, Mica po 21 yrs. old female, nagaaral pa po. Panganay po sa tatlong magkakapatid . Gusto ko lang po ishare yung nalaman ko about sa papa ko. Nagulat po kasi ako. Ang pagkakaalam ko po ay happy family po kami sa bahay. Normal lang naman po kasi, aalis si papa ng 6am at uuwi siya ng 7pm, a normal schedule niya sa work ay 8am-5pm. Di ba ang normal? Wala po naman talaga e.

Pero ayun po, pinapasok po ako ni mama ng 9am para dalhan si papa ng pagkain sa work niya. 12nn pa po kasi yung pasok at doon din naman yung way ng school ko kaya pumayag po ako, for gala purposes na din. Pero ayun po habang bumabyahe po ako ay nakatingin po ako sa kalsada to enjoy din po yung byahe, pero nung malapit na po ako sa work ni papa, nakita ko siya na papasok sa isang motel ng magisa. Sure po ako na si Papa yun, pero tinuloy ko pa rin po yung pagpunta sa work niya, ang ending wala nga siya dun, so iniwan ko po yung pagkain na pinadala ni mama. Then, nag decide po ako na puntahan yung pinasukan ni papa na hotel kasi mahaba pa yung oras. Nag antay lang po ako sa labas ng motel para abangan at gulatin si papa. 11am na wala pa rin lumalabas si papa, naisip ko na parang wala na ata si papa doon, kaya nag decide po ako na umalis at pumasok na po, pero bago po ako umalis, nakita ko po si papa na lumabas sa motel. Nagulat po ako na may nakayakap po kay papa na babae paglabas niya ng motel. Ang unang question ay “Sino yun?”, pangalawa naman ay “Bat siya nakayakap kay papa. Nung papalapit na po sila sa way ko, di ko po alam pero bigla na lang po ako nagtago. Chineck ko po at kinilala yung babae, nagulat po ako kasi, kapitbahay po namin yung kasama ni papa. Speechless po ako, di rin po ako makagalaw that time nung nalaman at nakita ko yun lahat.

Right now, 2 months na po nung nangyari iyon but I’m still shock, and hindi pa po alam ni mama yung mga nakita. Di ko rin alam kung paano ko sasabihin kay mama yung mga nakita ko. Ayoko po masira yung family namin. Alam ko rin naman pong mali yung ginagawa ni papa, pero natatakot po ako na maging broken family po kami dahil doon. Baka ako po kasi yung sisihin ng mga kapatid ko kung bakit broken kami. Wala na kong masabihan at ayoko na rin itago, pero yung consequences po kasi. Ang hirap at ang bigat po pag family po ang nakasalalay sa desisyon mo. Ano po bang gagawin ko?