23 years old po ako, Male, currently a 4th year college student. June 2025, may nakilala akong girl, ang amo ng mukha, yung di mo aakalain na kayang magloko. And that time, nung makita ko siya, dun ko naranasan yung slow motion. Grabe! Literal na Bumagal ang mundo ko na para bang may anghel na dumaan sa harapan ko.
So, dahil nga may itsura naman ako at confident ako na I can get her, Ayun, niligawan ko siya. Naging smooth ang panliligaw ko, di niya ko pinahirapan, naging kami agad after 3 months. Masaya ang pagsasama namin, date dito, date doon, usual dating na kung anong ginagawa ng iba. Swerte ko nga kasi hindi siya demanding. Kung ano lang kaya ko yung lang din naman yung hinihingi niya. Kaya minsan, sinusurprise ko siya ng mga bagay na hindi niya naman hinihingi pero alam kong gusto niya. Paano? Nakikita ko kasi Stories at notes niya sa FB.
Masaya ako sa ginagawa ko kasi nakikita ko siyang masaya sa mga ginagawa ko. But, out of nowhere, bigla siyang nagiba. Yung dating di nagdedemand, ngayon puro hingi at reklamo na. Nabigla ako sa nangyari, kaya napatanong ako sa sarili ko kung “Ano bang nagawa kong mali?”. Tumagal ng ilang linggo pero wala pa rin akong ideya kung ano yun. Kaya binago ko ang approach ko sa kanya. Pero, di pa rin enough.
Away Talo kami palagi, kaya kung magkakaroon man ako ng palagi, siya na ang palagi ko kang kaaway. But something change, nang may lumapit sakin after namin mag away. Di ko makakalimutan yung dalawang tanong niya sakin, “Brad, anong problema? Bakit ka nakikipagaway sa girlfriend ko?” Like, What? Ayan yung naging reaction ng mukha ko, but i’m speechless that time kasi di ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Pero, curious ako, bakit niya sinabing girlfriend niya. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Same date kung kailan niya ko sinagot yung time na naging sila. Ang malala pa nito, ang reason niya bat niya pinuntahan si girl ay same reason kung bakit kami nagaaway. Sinusuyo niya pala.
Kaya nagkaroon kami ng plano. To investigate her. Saan siya nagpupunta, anong mga lakad na meron siya. Ang Masakit, di lang isa, di lang dalawa ang nakita namin, Tatlo. Tatlong lalaki ang pinupuntahan niya. To make it clear, lima kaming boyfriend niya. We decided to communicate sa tatlong yon, to let them know kung anong mga pinagagawa niya samin. Na Shock ako sa nalaman namin. Nakapili na pala siya. Sa aming lima, isa lang yung hindi siya nagbago. Siya lang yung kahit hindi nag effort, masaya pa rin si girl. Ang nakakabilib, si girl pa ang gumagastos sa date nila. Kaya tinap namin si Boy at sinabihan namin siyang “Congrats, ikaw ang napili”
Nagplano kaming lima kung anong gagawin. Pero, nauwi pa rin kami sa hayaan na lang at itago yung mga nalaman namin. We continue to date her kahit alam naming we are not the only one. Hanggang ngayon binibigyan namin siya ng time na sabihin niya samin yung totoo. Oo masakit, pero Mahal namin e. Marupok, pero mahal namin e. Di namin alam kung anong mangyayari in the future, pero kaming lima ay naging magkakatropa.