Ako po si Shiela 29yrs. old, working as a cashier sa isang department store. 10 years na po ako sa job ko na’to, di po ako nakatapos ng college kaya puro contractual po ang nagiging trabaho ko. Di na rin po ako naghanap ng iba pang trabaho bukod sa cashier. Sarili ko lang naman po yung binubuhay ko dahil wala na po ang both parents ko. Masaya naman po ako sa work ko at the same time para sakin okay naman po ako financially, enough naman to pay all the bills may kaunting savings at walang utang.
Last June nagkaroon ako ng boyfriend, isang Security Guard. Gwapo, matipuno at matangkad. Nasa kanya na yung tatlong hinahanap ko. Sa 1st month namin nandun yung naiilang pa siya pero may malambing na side. After 4 months, nandyan na yung mga cuddling stage namin. May mga bagay lang na nadagdag, minsan kasi nagdedemand siya ng gift for me lalo na yung mga pyesa sa motor. Given na enough lang din naman yung kita ko, hindi ko kayang ibagay yun. Medyo weird lang, kasi 5 months palang kami tapos nagdedemand na siya ng ganun, di naman din niya ako nasasakay sa motor na yun, even yung mga dates namin naka-commute ako papunta.
Last January, exactly 7 months namin, nanghingi siya ulit ng gift na mas malaki pa sa sahod ko ng isang buwan. Nagtalo kami dahil hindi ko naibigay sa kanya yung hinihingi niya. Like kailangan ko pagtrabahuhan ng isang buwan yung mga luho niya? Okay sana kung anniversary yun, pero hindi. Because of that, hindi niya ko pinansin ng isang buwan. Pinansin niya lang ako nung binigyan ko siya ng mahal na brand ng helmet. Last March nag tanong ako sa kanya kung bakit 9 months ng kami, di niya pa rin ako sinasakay sa motor niya. Ang sagot lang niya ay paano niya daw ako isasakay e di daw ako bumibili ng pyesa ng motor niya. Speachless ako that time. Boyfriend ko siya at Girlfriend niya ko for 9 months tapos ayun yung reason niya? Ano pa yung sense ng pagiging mag jowa namin kung yun yung reason niya. Minura ko siya ng malutong sa mga pinagsasabi niyang walang sense. Sinabi ko na lang sa kanya na paano ko siya bibilhan ng mga pyesa sa motor niya, e ako na jowa niya di niya mapasakay. G**o ba siya. Nag walk-out ako that time para matapos na.
Isang buwan na ang nakalipas, wala man lang paramdam o panunuyo man lang. Hanggang sa nakita ko siya papalabas ng isang grocery store na may kasamang babae, at ang masakit inaalalayan niya pa at pinasakay niya pa sa motor niya, ibang-iba doon sa kung anong trato niya sakin. Tapos napansin ko din na bago yung kulay ng shock ng motor niya. Chineck ko agad yung price nun sa online, nagulat ako sa price, kalahati ng sahod ko, di ko kaya yun.
Di ako nasaktan sa pangloloko niya, inisip ko na rin kasi na wala na kami kahit wala kaming formal break up. Ang masakit ay yung pinagpalit niya ako sa mas successful at mas mapera na babae. Parang yung pagmamahal na binigay ko sa kanya ay nauwi lang sa wala. Ganun na pala ang pagmamahal, pag mapera ka at may nabibigay ka, ikaw ang mahal, pero pag wala kang pera at wala kang maibigay, iiwan ka. Ganda lang naman ang meron ako, kaso di pa pala enough.