Ako po si Natan, 38yrs. old, single, Business owner na ngayon ay malapit ng mabaon sa utang.
25 years old po ako nung umalis ako sa bahay namin para pumunta ng Maynila at makahanap ng magandang trabaho. Sa biyaya ng Panginoon ako po ay naging shift manager ako sa isang fastfood. that time di ako nahirapan sa work na meron ako dahil talagang tinutulungan ako ng mga kasama at katrabaho ko na mag-adjust paano gawin ang mga trabaho ko. Sa 5 years na naging manager ako, kitang kita ko yung improvement ko when it comes to leadership. Kaya after nun nagdecide ako na magtayo ng sarili kong business habang nagtatrabaho pa rin as a manager. That time ang bilis ng naging outcome ng business ko, lumago siya ng lumago kaya nagdecide ako na mag resign sa trabaho ko para makapagfocus sa business. Ang saya ko nun kasi lahat ng natutunan ko sa pagiging manager ko ay nagagawa ko sa sariling kong business ng maayos at well prepared, di tulad ng hati yung isip ko sa pag manage ng store at business ko.
Then, Pandemic came, ECQ that time. Although food ang business ko, bumaba pa rin yung benta dahil ang halos lahat ng tao ay nagtipid nung panahon na yun. Unti-unting humina hanggang sa naging mas naging malaki pa ang expenses kaysa sales na meron ako. Para hindi malugi, I decided na magsarado na lang. Which is akala ko ay okay lang, pero ito pala ang dahilan ng pagkakaroon ko ng stress at kamuntikan kong madiagnose ng dahil sa depression. Nahirapan akong magadjust at makabangon ulit pero nailaban dahil sa mga savings at emergency funds na meron ako.
After Pandemic sinubukan kong bumangon ulit, naghanap ako ng trabaho medyo hirap kasi dahil ongoing pa rin ako sa theraphy ko. Pero still di ako sumuko and after 8 tries, nagkaroon ako ng trabaho as a manager ulit sa kakastart pa lang na business, natanggap ako kasi dahil sa mga experience ko at nag go na rin ako kahit maliit ang sahod, makaraos at makabangon lang from the scratch. That time ang ganda ng paglago ng business kaya nagkaroon din ako ng pagtaas sa sahod ko, kaya nakaipon ako para makapag start ulit ng business.
Hindi naging madali, pero improving. Yung trabaho at business ko ay pareho kong tinutukan hanggang sa nag decide ulit ako na magresign sa trabaho ko para makapagfocus sa sa business na meron ako. This time, hindi na ako nahirapan at nagkaroon na rin ako ng action plan kung sakaling maulit ulit yung nangyari nung pandemic.
Wala naman akong masyadong naging problema, until nakilala ko ang online sugal. Sa una try-try lang, curiosity lang, hanggang sa naging habit na mahirap pigilan. Ito na yung naging takbo ng buong araw ko, mag sugal ng mag sugal, hanggang sa makalimutan kong may business pala akong dapat tutukan. Narealize ko na lang na wala na akong mapasahod sa mga employee ko dahil nagastos ko na pati yung pera ng business ko. Kaya ngayon umutang ako sa mga bangko para ma sustain at mapasahod ko ang mga trabahodor ko, pero di pa rin enough, kaya umutang pa rin ako sa mga lending apps na alam ko. Utang dito, utang doon. Nasa part ako na ayaw kong sukuan yung business ko. Nilalaban ko siya kasi alam kong ako ang may kasalanan, hindi pandemic ang sumira , kundi ako.
Ngayon, di ko na alam kung paano babayaran yung mga utang ko, sumabay pa tong pagtaas ng langis na nagpahina ng sales sa business ko. Hirap na hirap ako kung paano i-sustain, gusto kong ipasara kaso di ko magawa dahil may mga binabayaran pa ako. Wala akong malapitan na kahit sino, bukod sa pamilya ko. Pero 9years na rin nung huli ko silang nakausap. Natatakot ako na baka i-judge nila ako, magalit sila sakin o ikahiya nila ako dahil nga lumapit lang ako sa kanila para humingi ng tulong. Di ko alam kung paano rin na sasabihin sa kanila na ang dami kong utang. Di ko na alam ang gagawin. Ayokong sumuko sa problemang ako ang gumawa.