← Browse stories

Bunso ako, Pero bakit ako na yung ATM machine ng Lahat

Apr 16, 2026

Estimated reading time: 2 minutes

Hello po, 30Female, Single, Marketing Head sa isang corporate company sa Makati. Bunso po ako sa limang magkakapatid. Nagrerent lang po kami sa Bahay na tinutuluyan po naming ngayon. Ang kasama ko po sa Bahay ay both Parents ko. Ang mga kapatid ko po kasi ay may mga sariling Pamilya na. Mag kakatabi lang naman po kami ng mga Bahay na tinutuluyan. So, yung mga anak nila ay nagpupunta sa Bahay namin. Doon naglalaro, natutulog at gumagamit ng mga gadgets.

Kaya ko naman yung mga gastusin sa Bahay namin, dahil tatlo na lang kami doon. Ako ang bahala sa Rent sa Bahay, sa wifi, sa Kuryente, at sa tubig. Pero bat ganun? Yung mga gastos sa mga gusto ng mga pamangkin ko, sa akin kinukuha ni Nanay. Mga pagkain, gastos para igala yung mga apo niya, sakin pa pa din. Anong ginagawa ng mga magulang(mga kapatid ko) nila? 

May mga pinag-gagastusan din ako, may mga kailangan din ako! Kaya ko naman magbigay, pero bakit sa responsibilidad nila sa mga anak nila sakin pa rin inaasa. Kulang na lang siguro pati pang baon at pang tuition nila sa school sakin na din. Paano naman ako? Paano naman yung sakin? Hindi na nga ako makapag asawa dahil ayaw pa ng mga magulang ko. 30 Years old na ko! Going 31 this January.

One time di na talaga ako nakapagpigil. Nagtanong na ko kay nanay nung one time na nanghingi siya ng pangkain ng pamangkin ko. Nagulat ako sa sinagot niya. May binabayaran daw silang renta kaya di makapagbigay. Ganun din naman ako a, may binabayaran din naman akong renta. After that nag walk out ako, kasi ang sakit magsalita sa mga magulang mo, nasasaktan ako sa ginawa ko. Di naman ako lumayas, nag walk out lang. 

Ngayon nag iisip na akong bumukod para naman makapag me time at syempre magkaroon ng peace of mind. Pero, di ko rin nagawa. Kasi, right now, diagnosed na ako ng Colon Cancer Stage 4. Kaya ayun, nag decide na sila nag maghati-hati kami ng gastusin sa bahay. Pero ayun, late na, kung kailan may sakit na ako.

 

More from PhilUpdate

Share your story →