
Habang patuloy na umaangat ang P-pop sa global stage, mas lalo pang pinapatunayan ng BINI kung bakit sila isa sa mga girl group na kinikilala ngayon sa international scene.
Sa live performance nila sa Grammy Museum, ipinakita nila ang mas intimate at raw na side ng kanilang artistry. Halos a cappella ang ilang bahagi ng set, kaya boses lang talaga ang bumalot sa buong venue—ramdam ng audience ang bawat harmony, kontrol, at emosyon sa kanilang performance.
Kinanta nila ang “Blush,” kasunod ang a cappella versions ng “Love on Top” (cover) at “Unang Kilig,” na parehong nagpakita ng kanilang galing sa live vocals at tight harmonies na nagbigay ng goosebumps sa audience.
Kung sa Coachella ay pinahanga nila ang mundo sa lakas ng stage presence at global appeal, sa Grammy Museum naman ay mas nakita kung gaano sila kalakas bilang vocalists—yung tipong kaya nilang buhatin ang buong performance gamit lang ang kanilang boses at musicality.
Isang simple pero powerful na showcase ito ng BINI: world-class talent na patuloy na naglalagay ng P-pop sa mas malaking entablado.