
Nakakainis lang Talaga na yung taong nirerespeto mo, sinisiraan ka lang sa ibang ka workmates mo. Like, every time na magkasama kami, ang bait niya at matulungin siya, pero pag di na kami magkasama kung ano-ano na yung sinabi tungkol sakin. One time, na rinig ko yung pinaguusapan nila, rinig ko yun kasi nasa nasa kabilang room lang ako at rinig na rinig yun. Ang sabi niya “Minsan ang hirap pala maging mabait, no? Naaabuso, Tinuturuan mo na lahat lahat, ang gusto ako na lahat gumawa. 3 years na yan dito, pero promise, ang tanga pa rin niya.” Nung pagkasabi niya nito, ang akala ko hindi ako yung tinutukoy niya. Kaya nung bubuksan ko na yung pinto, narinig ko bigla yung pangalan ko. “Tignan mo yan si Tiffany, paglabas na paglabas niya dyan sa pinto na yan mamaya magtatanong agad yan sakin. Wag ko kaya pansinin, no? Para maramdaman niya yung galit ko.” Napaisip talaga ako nun, bat ako? Okay naman ako sa work, tsaka bihira Lang naman ako mag tanong sa kanya. So, Whats the problem?
Lumabas ako sa pinto na parang wala akong narinig, parang normal lang, kunwari di ako nasaktan. Tapos tumingin lang ako sa kanila nag nag a-act lang ako sa mata ko ng parang nagtatanong na kung anong meron? Pero ayun hindi madali, kasi nga masakit, I showed her respect but she showed me that kind of attitude. Kaya simula nun nagiba unti unti yung turing ko sa kanya. Ano siya gold, para pahalagahan? Hindi na! Ayoko maging plastic.
Unti-unti nagiging toxic na yung nangyayari sa office, yung tipong magtatanong lang ako sa kanya kung nasaan yung ibang files, nakasigawa agad, tapos pag siya yung nakagawa ng mali, ako yung pagsasabihan at idadamay. Tama naman yung ginagawa ko at nag agree naman yung lahat, tapos sa kanya, may kulang pa din. One time pinasa ko sa kanya yung report ko, bigla niyang binago, kaya ayun mali mali, ang ending, kasalanan ko pa. Ang sarap ng sampalin ng taong to, sa totoo lang. Sasabog na Talaga ako kaya may mga time na di talaga ako pumapasok kasi ayoko siyang makita. Kaso matatambakan ako ng trabaho. Kaya pumapasok pa rin.
Kaya I Decided na sabihin na sa boss namin, para naman magawan ng action. Kaso ang masakit, si loko pa yung kinampihan. Kesyo gumagawa daw ako ng kwento para siraan yung ibang tao, hindi naman daw totoo yung mga paratang ko. Kaya di ko matanggap yung nangyayari ngayon sa career ko. I want to build my name sa industry na to pero yung industry rin na to yung sumisira sakin. Kaya ngayon waiting na lang ako na matapos yung buwan na to, Magreresign na Talaga ako! Kahit Wala pang work na papasukan kung magresign man ako, but atleast makakahinga ako sa ka-toxikan ng company na to.