← Browse stories

“Ayaw na ng pamilya ko sakin dahil sa mga ginagawa ko”

Apr 20, 2026

Estimated reading time: 5 minutes

Hello po! Lea po 22yrs old, female pangalawa po sa bunso sa side ni papa. Gusto ko lang po ishare yung nangyari sakin. Ayaw na po kasi sakin ng family ko, except kay mama. Alam ko naman po yung reason kung bakit ayaw na nila sakin. Nahihiya at natatakot lang po talaga magsorry sa kanila. I-kwento ko po para magkaroon po kayo ng idea sa nangyari.

Nung nag 20yrs. old po kasi ako, lahat po ng mga kapatid kong nauna po sakin ay may mga kapartner. Yes po, nainggit po ako, kasi sila may kausap, ako wala. So naginstall po ako ng mga online dating apps at doon po ay mga nakilala po ako na potential partner ko. Pero thru online lang kami naguusap. Kaya wala pa din po. Gusto ko kasi matry yung intimate and cuddle things. Naririning ko lang po kasi yun sa kuya-kuyahan ko. And, i want to try it. Madalas po kasing pinagkukuwentuhan namin ng kuya-kuyahan ko ay yung mga naexperience niya sa lovelife niya, even yung mga adult things na ginawa nya nung HS pa lang siya. Which is aminado siya na mali at lagi nya kong pinapangaralan na doon. Pero I want to try it, ayokong nanonood lang sa mga website.

So, nagkaroon po ako ng chance na magkaboyfriend. As usual, LDR kami. Ito na rin po yung time na kada uuwi si papa na lasing ay nabubogbog niya ko. Kasi Why? that time po kasi ay di ako mautusan at sobrang laging dumi ng bahay. Umaga hanggang gabi po kasi ay kausap ko lang po yung boyfriend ko. Kapag uutusan naman po kasi ako nun ay nakadabog palagi. Pero May time po na nabugbog po talaga ako ng sobra ni papa at nagkapasa po yung katawan ko, kaya lumayas po ako nun. Ang naging sandalan ko po nun ay yung LDR boyfriend at yung taong concern po sakin that time, yung kuya-kuyahan ko. Sila po yung lagi kong kausap that time. Pinarealize sakin ng kuya-kuyahan ko kung ano yung mga ginawa kong mali at pati na rin yung mali ng sa papa ko. But, that time nagbingi bingihan ako. Mas gusto ko pa rin na kausapa yung LDR BF ko. Sa kanya ko kasi nakukuha yung sympathy na hinahanap ko. Feel ko that time mahal niya talaga ako.

Habang nagpapahinga po ako sa tinutuluyan ko, dumating po yung isang ate ko para pauwiin ko ng bahay, pero ayoko. Natatakot ako, kasi baka bugbugin ako ulit. Sinasabi nila na nakakaistorbo na ako sa tinutuluyan ko, ang ingay ko kasi tuwing madaling araw that time, so valid naman, pero nandun pa rin yung ego ko na ayaw ko talaga umuwi. Then, after a week, yung panganay naman na ate ko. Gusto niya ko pauwiin, hinila hila niya ko pero pumapalag at umiiyak ako. Dumating yung kuya-kuyahan ko para tignan ako at alamin kung ano yung nangyayari. Akala ko that time ay kakampihan niya ko, pero hindi. Pinatigil niya lang yung ate ko na hila-hilahin ako, sinabihan niya yung ate ko na kausapin ako ng maayos. Sinabi naman ng ate ko na wag daw siya makialam, pero di nagpatigil yung kuya-kuyahan ko. Hanggang sa napapayag niya yung ate ko. Kinausap ako ng ate ko at kuya-kuyahan ko na umuwi, umuwi naman ako kinabukasan. Pero after 1 week, nag away kami ng isang ate ko, at nagbugbugan kami, at doon na nga po ako napuno na para bang lahat na lang ay kaaway ko. Nagimpake para umalis at pumunta sa LDR BF ko, pero bago magawa yun, dumating yung kuya-kuyahan ko, kinausap niya ako kung aalis daw ako wag daw sa BF ko, dahil pagsisisihan ko daw iyon. Di ako nakinig, umalis pa rin ako nung tulog na silang lahat. Then nag pasundo ako sa bf ko.

Sa pag alis ko ay doon na nabago ang buhay ko, nung una okay, pero nung may nangyari samin ng bf ko, dun na rin nagsimula ang pag post ko ng medyo di nakakaayang video sa social media. At doon ako nacall-out ng kuya-kuyahan ko. Kinall-out niya hindi yung ginawa ko, kasi expected na niya na ganun ang mangyayari, ang kinall-out niya is yung pag post ko ng video sa social media. Humaba yung diskusyon namin, pero ang naging ending dahil nagalit siya sakin, doon din ako nagalit sa kanya. Na tinuring ko siyang kuya-kuyahan pero ganun yung gagawin niya. Isa sa mga pagkakamaling ginawa ko.

After a year nagbreak kami ng bf ko, as usual, naging palipatlipat na ako ng tinitirhan, at may mga times na pinapagamit ko ang sarili ko para lang makatira sa bahay kung saan ako tumutuloy. Nilayo ko ang sarili ko sa pamilya ko, pero deep inside kailangan ko ng tulong, kaso nandoon pa rin yung ego ko. Di ako makauwi dahil galit ako sa kanila.

After a year ulit. Triny kong umuwi para magsorry dahil narealize ko yung mga pagkakamali ko, pero yung mga tao sa bahay ay ayaw na akong makasama. Ang tao naman na nalapitan ko ay yung kuya-kuyahan ko. Nag-advice siya na sumama at tumira sa mama ko sa probinsya. At yun nga po ang ginawa ko. Ngayon po ay nasa healing process na ako. Alam ko yung mga mali kong ginawa at pinagsisihan ko yun. Ito ngayon ang consequences. Siguro may chance pa naman kaming magkaayos ng mga kapatid ko. Praying ako na mangyari iyon, but siguro it takes time. Sa kuya-kuyahan ko, thank you dahil naging kuya kita kahit hindi kita kadugo, at sorry din kasi di ako nakinig yung payo mo. Narealize ko din na gusto mo pala ako noon, pero di ko naramdaman yun dahil nakafocus ako sa sarili ko. Sana mabasa mo to at malaman mong ako ito. Hopefully magkita tayo ulit.

More from PhilUpdate

Share your story →