
33 Yrs old female, OFW po sa UAE. 2 years na po ako dito sa work ko sa ibang basnsa. Meron po akong anak sa Pilipinas na isang 6 yrs old na po. Mabait naman po ang asawa ko, sa makatuwid, inipon niya po yung mga perang pinapadala ko sa kanya at di lang po iyon, nag patayo rin siya ng business, kaya hindi po ako napepressure sa pagpapadala dahil meron po silang pinagkukuhaan financial. Masaya po ako sa mga ginagawa nila sa Pilipinas at di naman din po ako nakakarinig ng mga masasakit na salita sa kanila. Ang gusto lang nila ay ang makauwi ako.
But the thing is, hindi ako makauwi, hindi ko kasi masabi sa pamilya ko na meron akong karelasyon dito sa ibang bansa, yung amo ko na may pamilya din. Hindi ko kayang iwan ang pamilya ko, pero di ko rin kayang iwanan yung kinakasama ko ngayon. Di ako makapagdecide. May nabuo na kasi kaming relasyon na ang hirap bitawan, pero iniisip ko yung Anak ko.
Malaki kasi ang nakukuha ko, lalo na yung mga yakap niya sakin tuwing gabi na matagal ko nang di nararanasan sa asawa ko. Masarap, Masaya, at satisfying kasi kaya ang hirap bitawan. but, I need to make a decision. I know, its unfair to both of them. Pero, one thing i realize, hindi ito yung gusto ko. I know I can be better than this.
But, when I have the courage to choose, something happened. Nalaman kong buntis ako. Nanlumo ako bigla, asawa’t anak ko ang pinili ko. Pero, bakit ganito? Pinapamukha talaga sakin ng tadhana yung pagkakamaling gusto ko ng kalimutan. I can’t turn it back. Gusto kong ipalaglag yung dinadala ko, pero pinipigilan ako ng kunsensya ko. Di ko alam ang gagawin. di ko din alam kung paano sasabihin sa asawa’t pamilya ko.
Hanggang ngayon, di pa rin alam ng pamilya ko ito. Ayaw din naman ipalaglag ng amo ko. 2 Months na lang ay uuwi na ako ng Pilipinas. Nahihirapan ako. But, Pipiliin ko pa rin ang mga anak ko. Yung lang po.