Joy na lang po, 28, BPO agent po for 3 years. Single mom. Hiwalay na po ako sa dati kong ka live-in partner at tatay ng isang anak ko. Kaya nagtatrabaho po ako para may pang gastos sa bahay at sa mga kakailanganin ng anak ko. Nagbibihgay naman ng sustento yung tatay niya, pero di pa rin talaga sapat. Kaya I choose BPO, kasi malaki-laki din naman yung sahod. Pero nung trainee pa lang po ako, there is 1 guy na tingin ng tingin sakin, hindi siya yung trainor ko, pero lagi talaga siyang tumitingin at minsan lumapit pa nga para kamustahin ako. Ang weird lang kasi di ko naman siya kilala at di din naman siya nagpakilala. Muntik ko na nga siyang masabihan na abno e, namukaan ko na siya, may nickname pa siya sakin.
Pero ayun na nga, after training, nagulat ako nung makita ko siya, sa team niya ako na assign. Langya, Team Leader pala siya! Nung una naiilang pa akong kausapin at lapitan siya dahil nga sa naging impression niya sakin. Pero, di lang pala galing ang meron siya, maunawain din. Grabe ang helpful niya, lalo na pag may mga kailangan ako o sa mga part nanaiinis na ako sa ginagawa ko. Pero di pa rin nawawala yung mga pagtitig niya sakin, kadatitingin ako sa kanya, titingin din siya. Kaya ayung inapproach ko na siya at tinanong kung bakit ba siya tingin ng tingin, lakas ng loob ko magtanong, curios talaga ako e. Di naman niya sinagot, ang sabi lang niya, wag daw dito sa work, kaya sabi ko sa labas na lang, at nag agree naman siya. Abay Inaya ako kumain sa labas after work. Kaya ayun, para kaming nagdate malaman lang kung bakit siya tingin ng tingin sakin.
During sa kain namin sa labas, marami-rami din kaming pinagusapan, may mga napuntahan din kami kasi may mga need siyang gawin doon. So far, enjoyable naman, but at some point, naiinis ako, ayaw niya pa ring sabihin kung bakit siya tingin ng tingin. Kaunti na lang talaga babatukan ko na tong abno na to. Pero, ayun, umupo kami sa isang kainan, at doon na kami nagusap. Nagulat ako sa mga sinabi niya kung bakit siya tingin ng tingin, kamukha ko daw yung ex niya. Pinakita rin naman niya yung picture, medyo hawig nga naman, pero syempre mas maganda ako. So ayun, mas humaba pa yung usapan namin hanggang sa nagtatawanan na lang kami. Kaya nag decide na lang kaming umuwi.
After some days, Naging okay yung relation namin, para bang ang gaan lagi ng pakiramdam ko pag kausap ko siya. Kaya ayun nahulog yung loob ko sa kanya. Kaya napadalas na rin yung mga kain namin sa labas. Hanggang sa inaya niya akong mag roadtrip ng kami lang dalawa. Nag go naman ako kasi wala naman din ako masyadong gagawin. Pero sa roadtrip namin, dun din pala may mangyayari samin. Nag enjoy ako sa mga nangyari, siguro dahil sa tagal na ring wala ganun, kaya ayun. Nag patuloy yung ganung relationship namin na tumagal din ng ilang buwan, hanngang sa naging kami din.
After months, nalaman ko na nagdadalang tao na ako. Gusto ko siyang isurprise para makita kung ano ang reaction niya. Pero, nagbago ang lahat ng di siya pumasok. Chinat at tinawagan ko siya, pero hindi siya sumasagot. Nag ask din ako sa ibang kasama namin kung may nakakaalam kung nasaan siya, pero wala ni isa ang nakakaalam. Hanggang sa may nakita akong post sa isang news sa facebook na isang aksidente. Nung una, parang wala lang. Pero pag scroll ko sa phone ko, siya pala yung naaksidente. Nanghina ako at bumagsak sa nabasa kong na dead on the spot siya. Ang sakit, di ko maintindihan, bakit sakin, bakit siya. Kung kailan sumasaya na ulit ako, pero kukunin lang pala siya ng ganun ganun lang. Kung kailan nalaman ko na nagdadalang tao ako, dun din pala siya kukunin.
Kaya hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako magmahal ulit. Natatakot ako na baka kunin na lang siya ulit. Natatakot ako na baka maiwan ulit ako mag isa. Natatakot ako na baka panandalian na lang ulit yung pagiging masaya ko. Hindi ko alam ang gagawin. Pero kahit mahirap, magpapatuloy pa rin. Nilalaban ko para sa dalawang anak ko. Di ko alam kung kailan ako makakamove-on, kaya shinare ko po itong story na ito para maging 1st step sa pagmoveon ko. Ayun lang po.