Hello po, 28 yrs old female po. Tawagin niyo na lang po ako sa pangalan Chela. Single mom na po ako ngayon. Kailan lang po kami naghiwalay ng asawa ko. Di ko kasi matiis yung nararamdaman ko. Dati po kasi nung nililigawan pa ako ng ex-husband ko, ang bait bait niya, malambing, at maalagain. Grabe siya magmahal, binibigay niya lahat yung mga bagay na kailangan ko. Napaisip na nga ako at napadasal na kung siya na ba talaga yung “The One”.
Move forward tayo, nagprospose siya sakin after 2 years namin na magsama. I said yes, kasi why not, nasa kanya na ang lahat magiging choosy pa ba ako? Okay kami sa lahat, sa preparation ng kasal, sa relationship namin sa family namin, at sa mga kaibigan namin. We don’t see a problem. It’s going smoothly as it should be.
But, one thing change nung papalapit na yung kasal namin. Naging moody siya. May time na uuwi siyang galit at minsan naman ay uuwi siyang lasing sa kanila. Wala naman akong problema doon, pero tumatawag kasi yung family niya para papuntahin ako sa kanila para alagaan siya. Wala pa nga e, wala pa yung kasal. Yes, kaya ko naman pumunta sa kanila pero yung halos gabi-gabi na pagpunta sa kanila. Okay lang sana kung 7pm nang gabi ako pupunta, pero shocks, 10pm, 11pm at minsan 2am na. May pasok pa ako ng 7am sa work ko. Pero, hindi nila maintindihan yon. Inaaway nila ako kapag di ako nakakapunta sa kanila ng ganong oras.
Still, kahit gaanon yung nangyayari, naganap pa rin yung Kasal namin. At dito na nga nangyari ang mga bagay na ayaw kong mangyari. Naging katulong ako ng buong pamilya niya. Kaya minsan di na ako nakakapasok ng trabaho ko dahil sa kapaguran. Pero di nila maintindihan yun. Kaya I decided to quit my Job at maging full-time wife and soon to be mother. Kala ko magiging okay na, di pa pala. Narinig ko ang mga sumbat nila na nagpababa ng pagkatao ko. Kaya lumapit ako sa asawa ko para ipaliwanag at sabihin ko yung mga nangyayari. Pero yung taong pagkakatiwalaan mo at pinagkatiwalaan mo ng lahat ay dededmahin ka lang. Di pa natapos dun, umuuwi siyang lasing, kaya pinagsasabihan ko siya, pero sampal at sigaw ang inaabot ko.
Ang sakit po, akala ko na pag kinasal ako ay problemang magasawa lang ang mga challenges na meron ako pero bakit ganon? Kasama pati buong pamilya’t angkan niya. Ang unfair lang po talaga. Hindi na asawa ang turing niya sakin, katulong na ng buong pamilya niya. Di ko na kinaya kaya I decided na makipaghiwalay na lang sa kanya. Di ako nagpakasal para magpasakal sa pamilya niya at sa kanya.
Ngayon ay nandito na ako sa family ko. I live with them with my dauther at ngayon ay nagtatrabaho as a Virtual Assistance sa international company na inapplyan ko. Masaya, pero naalala ko pa rin yung mga masasakit na nangyari sakin. Gusto kong kalimutan pero hindi mawalawala sa isip ko ang lahat ng nangyari. Kaya shinare ko ito baka makatulong na magheal ako.