
Hello po, ako po ulit to, sorry parang di po pala ako nakapagpakilala sa part 1 ng confession ko. Ako po pala Michelle, 25, you can also call me Chelle.
Ito na nga po, after po nung nangyari nung naginuman po kami. Nag antay po ako kay Ian na ichat ako at formal na magsorry sa ginawa niya, pero halos 3 weeks na ay wala pa rin po siyang paramdam. Kaya napaisip ako na Mahal ba ko nito o katawan lang ang habol niya sakin, kaya nung di niya to nakuha, di na siya nagparamdam. I know its bad na mag assume at pag-isipan ng ganun si Ian, pero dahil sa mga nangyayari, ito lang yung pumapasok sa isip ko. But, anyway. Iniisip ko kung ako na lang ba ang magpapakumbaba saming dalawa na “Okay lang yon Ian, hindi naman ako galit sa’yo” ganun? No way! Trauma kaya inabot ko doon at feeling ko mawawala yung pagkababae ko kung ako ang mauunang magpakumbaba. Isang SORRY lang naman ang hinihingi ko sa kanya. Yung sorry na sincere at hindi nakainom. Pero wala pa rin. I give him a chance, many chance na umabot pa ng 6 na buwan. Pero wala akong narinig at nakitang Ian.
After those 6 months na paghihintay ko sa kanya, feeling ko nasanay na akong wala siya, nung una chinecheck at ini-stalk ko pa siya, pero di nagtagal tinigil ko na, nawala na rin kasi yung hope ko na magpaparamdam pa siya sakin. Kaya natatakot ako na baka pag dumating si Ian, e wala na siyang maramdaman sakin na pagmamahal. Kaya chinat ko si Ron para kamustahin si Ian at alamin kung nasaan siya, ang sagot lang sakin ni Ron ay “Puntahan mo na lang siya sa kanila, chat ka na lang kung kailan ka pupunta para masamahan kita”. “Ang cold naman nito” yan ang inisip ko nung nabasa ko yung chat niya.
Pumunta agad ako sa bahay nila Ian. Di ko na sinabihan si Ron, ganti ko na lang din dahil cold chat niya. Char. Btw, balik tayo sa kwento ko. Medyo nagtaka ako nung papalapit na ko sa bahay nila Ian. Ang daming lamesa at may mga tent na nakatayo, natigilan ako sa paglalakad ko, nakaramdam ako ng takot na baka ako ang dahilan nito. Ayoko nang tumuloy, natatakoy ako, kaya unti-unti akong umatras. Nung aakma na akong umalis, bigla na lang na may sumigaw ng “Chelle”. Pagtingin ko ay si Ron, dali-dali akong tumakbo papunta kay Ron at tinanong siya kung anong meron at nagulat ako at napaiyak sa sinabi niya. Burol ni Ian, namatay siya dahil sa sakit na rabies. Pumasok ako sa bahay nila, nakita ko sa loob ang ibang mga kaibigan ni Ian, pero hindi ko sila pinansin, kasi gusto kong makita kung si Ian ba talaga ang nakaburol. Ayaw kong paniwalaan yung sinabi ni Ron, pero pagtingin ko sa kabaong ay si Ian nga. Napaluhod na lang ako. Di ko alam kung anong nararamdaman ko o kung ano ba dapat ang maramdaman ko ng mga oras na yon. Then, may binigay sakin na letter si Ron, sabi niya galing daw kay Ian.
Dear Michelle,
Sorry sa nagawa ko nung last time na magkasama tayo sa inuman. Wala akong mai-reason kung bat nagawa ko yun. Ayokong idahilan na lasing lang ako kaya nagawa ko yun. Alam kong nasaktan ka sa mga nagawa ko nun, alam ko rin na nawala yung tiwala mo sakin. Pero pinagsisisihan ko yon. Triny ko baguhin yung sarili ko ng dalawang buwan para may mukha akong ihaharap kapag nagsorry ako sayo. Nahihiya kasi akong pumunta sa inyo. Baka kasi ipagtabuyan mo ko o di naman kaya hindi ka magpakita. Sinabi rin kasi sakin ng mga kaibigan ko na baka na trauma ka nung gabi na yon. Sinabihan naman ako ni Ron na kausapin ka para malaman kung ano ba talaga yung nararamdaman mo. Sinabihan niya rin ako na sasamahan niya ko, pero ako lang ang umaayaw. Natatakot ako sa kung ano ang sasabihin mo. Kaya kahit gusto ko pumunta at mag-sorry, hindi ko magawa.
Di ko alam kung tatagal pa ko, pero kung nababasa mo tong sulat na to ay malamang wala na ko. Nung triny ko kasing pumunta sa inyo ng gabi may nakasalubong ako asong nanghahabol, di ako kaagad nakatakbo kaya nakagat ako. Ang mali ko lang ay hindi ako nagpaturok kaagad, kasi gusto ko pumunta sa inyo, kaso wala kayo ng family mo sa inyo. Naghintay ako ng isang buong gabi nagbabasakali na maabutan ko kayong umuwi, pero hindi kayo umuwi. Hindi kita chinat kasi mas gusto ko mag sorry ng personal. Pero dito pala ako nagkamali dapat pala chinat na kita.
Ngayon, nasa hospital ako, diagnosed ng rabies, sabi nila gagawan daw nila ng paraan. Pero alam ko sa sarili ko na wala na akong pag-asa.
Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita at sana mapatawad mo ko.
nagmamahal,
Ian
Nung binabasa ko ang sulat ni Ian ay unti unti kong nararamdaman na dinudurog ang puso ko dahil sa guilt, sa guilt na “Sana nagpakumbaba na lang ako”. Hindi ko malilimutan ang araw na yon, ng dahil sa pride naging huli na ang lahat. Walang naayos, Walang pagpapatawad at walang napatawad. May what if ako kung nalaman ko ba agad masasamahan ko ba siya magpaturok? Kung kinausap ko ba siya agad, di ba siya makakagat ng aso? Pero kahit isipin ko man to, di na nito mababalik ang buhay ni Ian. Hindi na!
After 1 year ng pagkamatay ni Ian, si Ron ay nanliligaw sakin ngayon. Di ko pa siya sinasagot, iniisip ko kasi kung ready na ba ako ulit magmahal. Tsaka, kaibigan siya ni Ian, baka maraming magalit. May nararamdaman naman ako para kay Ron, lalo na nung naramdanaan ko yung care niya sakin nung move-on era ko. Yung mga pag-alalay niya at pagsama niya sa tuwing dinadalaw ko ang puntod ni Ian. Lagi niya akong sinasabihan na “Hindi mo kasalanan, nagkataon lang talaga yung nangyari”. Still nararamdaman ko pa rin ang guilt sa puso ko. Pero tama ba na despite ng mga nangyari ay may karapatan ba ko na mahalin si Ron? Di ko alam! Inlove ako kay Ron, pero mapapatawad ba ko ni Ian kapag ganun? Ayun lang po.