
Please po, wag niyo po sana akong i-judge kaagad. Gusto ko lang po itong i-share dahil nahihirapan po ako mag decide kung sino po sa kanila yung pipiliin ko. Nainlove po kasi ako sa kaibigan ng boyfriend ko. Yes po, alam ko pong mali na magkagusto sa kanya pero iba po kasi yung pakiriamdam ko pag nakikita ko siya. Sa kanya ko lang po kasi naramdaman yung belongingness na hindi ko nakukuha sa jowa ko.
Nag simula po ito nung pinakilala po ako ng boyfriend ko na si Ian sa mga kabarkada niya. 5 Silang magbabarkada pero iisa lang yung tumatak sa utak ko nung pinakilala niya na lahat sila sakin, si Ron. Iba yung charisma ni Ron nung araw na yun na talagang napatitig ako sa kanya, hindi naman siya ganun kagwapuhan pero may katawan, hindi bulky pero may laman. Pero wait, di lang naman po doon kaya ako nag kagusto sa kanya. Mga ilang linggo po na kami-kami ang laging magkakasama, kaya nagkakaroon po kami ng mga bonding sa kanila. That time po, nagkaroon kami ng Inuman kasama ang lahat ng barkada niya. Napansin ko po na lahat po sa kanila si Ron lang po ang hindi umiinom ng alak, na kahit pilitin siya ng mga tropa niya at ni Ian na mag inom, hindi niya talaga tinatanggap. Napaisip ako na ang weird ng tao na to, kasi lahat kami umiinom tapos siya hindi, tapos siya pa yung nagluluto ng pulutan namin pero di naman siya kumakain. Tapos ito na nga po yung moment kung bakit ako na-inlove sa kanya. Mga lasing na po kaming lahat, pero medyo alam ko pa kung ano yung mga ginagawa ko, kaya nag papass ako minsan ng tagay. Pero ito pong si Ian hawak po siya ng hawak sa hita ko at may mga time na malapit na po sa private part ko kaya po binulungan ko siya na tigilan niya, pero imbis na tumigil nag simula po siyang hawakan yung dibdib ko at nakita po yung ng mga kabarkada niya. Imbis na pigilan sinusul-sulan pa nila si Ian. Tinutulak-tulak ko na siya pero ayaw pa rin. Medyo napapaiyak na ko that time at sobrang natatakot, hanggang sa bigla na lang hinampas ni Ron si Ian ng sandok sa ulo. Hindi naman malakas pero napatigil at natahimik kaming lahat. Sabay sabi niya ng “Ian mahiya ka naman, di mo ba napapansin yung itsura ng jowa mo?” Di ko alam yung itsura ko pero alam ko paiyak na ako nun. Kaya nung sinabi niya yun yumuko ako at nagpunas ng mukha. Di ko alam kung tinignan ba talaga ako ni Ian that time, pero bigla siyang nagsorry nun. Di ako kumibo dahil takot na takot ako. “Lumayo ka muna diyan Chelle, alam ko natatakot ka” sabi ni Ron. Tumayo din si Ian para alalayan ako pero pinigilan siya ni Ron at sinabihan na pakalmahin daw muna ako. Lumayo muna ako sa kanila para magpakalma pero hindi naman malayo, dahil sobrang dilim na rin po nun. Habang nakatingin po ako sa kanila, si Ron po ay kinakausap si Ian, di ko alam kung anong pinaguusapan nila, pero alam kong doon yun sa nangyari. Nung natapos silang magusap tumingin silang dalawa sakin na para bang nagpapaalam si Ron kay Ian para kausapin ako, nakita ko naman na pinayagan siya ni Ian. Lumapit si Ron para kamustahin ako kung okay lang ba ako, tumango lang ako kasi di rin ako makapagsalita dahil sa nangyari. Nung oras na yun na feel ko yung genuine care ni Ron. Inassure niya ako at pinakalma that time. Di ko alam kung anong dahilan pero nung sinabi niya yung mga words na “Wag mo na itago yan, ilabas mo lang yung nararamdaman mo” ay napaiyak ako ng sobra tapos sinundan niya pa ng “Sige lang i-iyak mo lang yan”. Girl, ayoko na finish na, para siguro akong bata sa kakaiyak ko nun.
After po ng mga nangyari ay hindi po muna ako nagpakita sa kanila ng ilang araw. Sino ba naman yung magpapakita sa kanila after nun. Una binastos ako, pangalawa nakakahiya yung pag iyak ko sa harap ni Ron. Pero yung nakakatawa, kung sino pa yung hindi ko boyfriend siya pa yung may inaalala ako at china-chat ako, tapos sa boyfriend ko ni-isa wala. Nagalit talaga ako sa boyfriend ko dahil sa ganun, ayoko naman din sabihin sa kanya na galit ako, ayoko din naman na mauna mag chat sa kanya, sino ba naman kasi yung kasalanan, siya diba. Pero di ko alam that time na yung galit ko kay Ian ay siyang magiging dahilan ng pagkahulog ko kay Ron.
Hanggang dito na lang po muna. Sa part 2 na lang po yung kasunod.