Aira po, 28yrs. old, working as a VA, Single since birth. May mga nanliligaw po sakin noon pero di ko po sila ine-entertain kasi focus ako sa studies ko. Nag focus po talaga ako dahil ako po ang panganay samin kaya for sure ako ang magiging breadwinner. Isang bagay na hindi ko pinagsisihan dahil natulungan kong makatapos ang isang kapatid ko sa pag-aaral na ngayon ay kasama ko sa pagpapaaral sa bunso naming kapatid.

Simple lang naman yung takbo ng buhay ko, until nakilala ko si Josh, isang barista sa isang malaking coffee shop. Nagulat na lang ako na kapag nandun ako sa coffee shop, siya lagi ang nag-a-assist sakin. Which is na-weirdohan talaga ako, kasi barista siya tapos siya pa yung nagseserve personally ng coffee ko. Pero ayun, hinayaan ko na lang din.

After a month na consistent niyang pag assist sakin, nagkaroon kami chance na makapagusap sa labas ng store. That time hindi siya nakauniform kaya nakapagusap kami ng matagal. Ang mali ko lang ay ako yung unang nag start ng convo namin. Tinanong ko kasi siya kung bakit niya ako laging ina-assist sa order ko, ang sagot lang niya ay dahil ayaw niya na ako patayuin kasi busy daw ako sa laptop ko. Gusto ko pa nga sanang magtanong ulit pero hindi ko na sinubukan. Nung aalis na sana ako, bigla na lang niyang sinabi na magreresign na pala siya. Na shock ako hindi dahil sa magreresign na siya pero doon sa part na bakit sakin niya sinabi. Kaso mukhang iba yung pagkakaintindi niya sa reaction ko, bigla ba naman niyang sinabi sakin “Ganito na lang, okay lang ba sayo na makuha yung facebook mo? Para naman maka-catch up with you”. Speechless ako that time. Di ko dapat ibibigay pero for some reason ako pa yung nag-add sa kanya. Contradicting right? Pero dahil doon nagkaroon kami ng communication sa isa’t-isa. May mga time na kahit madaling araw na ay magkachat pa rin kami. May mga time din na lagi kong inaabangan yung mga chat niya. Nafeel ko tuloy na parang nagugustuhan ko na siya. Pero lagi kong tinatanong sa sarili ko “Is this the right time?” I want to make sure kaya tinatago ko yung feelings ko.

Mga ilang buwan, habang nagtatrabaho ako sa coffee shop, bigla na lang siyang dumating na may dalang flowers and chocolate. Hiyang hiya ako that time kasi maraming taong nakatingin sa amin, kaya nahampas ko siya ng malakas sa braso niya. Nagulat din ako ng banggitin niya yung buong pangalan ko sabay sabi ng “Matagal na kitang gusto, matagal na rin akong nagpapansin sayo. Ngayon na may pinagsamahan at may mga kwentuhan na tayo, I want it to level up. Gusto ko sanang manligaw sayo. Alam ko na kahit umoo ka it doesn’t mean na may pag-asa ako, but i will try to do my best for this” Di ko alam kung anong isasagot ko. First time ko kasing maranasan yung bagay na yun. At the same time, na-wierdohan ako sa mga sinabi niya, Ganun ba talga yun? Yung parang pinapangunahan niya na agad yung mangyayari? Pero pinagbigyan ko pa rin, syempre gusto ko rin naman.

After a month ng panliligaw niya, napansin ko na parang naging routine na lang sa kanya yung ginagawa niya. Halos paulit-ulit na lang. Hatid-sundo sa bahay, pupunta sa bahay para makipagkwentuhan, Di naman kaya makikipagkwentuhan sa family ko. Like, ito na ba yung ligaw? Parang wala naman ako maramdaman. Hanggang sa niyaya niya ako magdate sa isang restaurant. First time ko that time, kaya excited ako. May bago akong maeexperience. So far, naenjoy ko naman that time, pero feel ko pa din na parang di enough, may kulang. Di naman siya kulang sa effort, Para kasing sa lahat ng ginagawa niya, siya yung hindi ko maramdaman.

Kinausap ko siya regarding dito, kung napapagod na ba siyang manligaw. Sinabi ko rin kung anong napansin ko. Nalaman ko na lang na 1st time lang din pala niyang ginawa yung panliligaw niya. Kaya di nya alam kung anong gagawin niya. Kaya enencourage ko na siya, sinabi ko sa kanya na “kahit anong gawin mo, malaki man yan o maliit. Lagyan mo ng puso. Kasi baliwala yung mga effort mo kung di naman nangagaling sa puso mo” Tapos nag pahabol ako ng joke na “Baka ginagawa mo lang yung nakikita mo sa Social Media?” Doon ko narealize sa reaction niya na yun yung ginagawa niya. After that, doon na naging exciting ang lahat, nakita ko ko at naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal doon sa mga ginagawa niyang effort.

Sa almost a year na panliligaw niya, nagdecide ako na sasagutin ko na siya. Bakit matagal? I want to make sure na siya na talaga, na siya na yung taong pakakasalan ko. Gusto kong ipakita na seryoso ako sa buhay ko, yung hindi lang ako naglalaro para may iharap sa tao na may boyfiend ako. I Date to marry not to play. Naghanda ako marami akong kinausap sa family ko which is approve naman sila. Even yung family niya kinausap ko para lang isurprise siya. But when that night comes, kinakabahan ako sa magiging reaction niya, di ako mapakali. Hanggang dumating yung time na dapat darating siya, pero walang “Siya” na dumating. Walang chat, walang update, at wala man lang paramdam. Lumipas ang oras di pa rin siya dumadating, nagtanong na rin yung mga kasama ko sa pag surprise sa kanya kung darating pa ba siya. Iniisip ko na baka traffic lang kaya late siya, pero natataranta na talaga ako that time kasi di ko na alam ang gagawin. Then I called his parents to know kung nasaan siya. The phone keeps ringing and ringing pero walang sumasagot. I called again, sumagot yung mama niya, umiiiyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Ang sagot lang niya “MY SON IS GONE!” Hindi ako makahinga that time, di ako makapagsalita, at di ako makagalaw. Ang alam ko lang napaluhod ako napaiyak ako at ang sakit ng dibdib ko. That time gumuho ang mundo ko. Si Josh naaksidente ang minamaneho niyang motor, dead on the spot. Ayoko nang idetail ang nangyari kasi masakit, lalo na yung naging sitwasyon niya.

Ang sakit pala, nagsisi ako ngayon bakit pinatagal ko pa ng halos isang taon. Kung Sinagot ko lang sana siya agad, edi sana naramdaman ko yung pagmamahal niya, edi sana naparamdam ko yung pagmamahal ko sa kanya. Napapatanong na lang ako na Lord bakit sinakto mo pa, na lord bakit sakin pa? Kung kailan nagdecide na ako na siya na talaga. Kaya ngayon di ko alam kung magmamahal pa ako ulit. Natatakot na kong mag mahal na baka maulit na lang. Inilabas ko to dito kasi baka makatulong for me to move on. Ayun lang po.