Allen, 25 yrs. old, 5 months pa lang pong working. Ang akala ko mahirap na yung college, pero mas mahirap pa pala pag napunta ka na sa realidad. Yung gusto mo na lang umiyak dahil sa hirap at dami ng mga ginagawa. Pero kahit mahirap ginagawa ko pa rin yung best ko. Still Learning kahit graduate na.
Pero, ayun nga po. Nag start po ito nung unang sahod ko, naalala ko pa nga yung unang withdraw ko, yung feeling na pagkauwi na pagkauwi ko kasabay ko yung nagdeliver ng parcel ng ate ko sa bahay. Ang ganda ng timing, wala si ate sa bahay. So ang ending, ako ang nagbayad na umabot ng 2,500, halos 1,400 ng sinahod ko. Medyo masakit kasi wala na agad akong pera kasi ibinigay ko kay mama yung kalahati ng sinahod ko. Kaya hinintay kong umuwi si ate para singilin siya, abay ang walang hiya kinabukasan na umuwi. Tapos ang nakakainis, Naubos daw yung pera niya dahil may mga binayaran daw siya, kaya ang sabi niya sa susunod na sahod na lang daw niya babayaran. Pinagbigyan ko, Inisip ko din na magiging malaki yung pera ko nun pag nagkataon.
Dumating na yung next na sahod ko. Same scene, pagkauwi may kasabay na nagdedeliver ng parcel, at ako ulit ang nagbayad. Umuwi naman agad si ate, pero, inutang niya ulit. Yung expectation ko nasira. Yung marami akong gustong gawin at bilhin sa bahay, napunta lang sa mga parcel ng ate ko. Ang laki ng tampo ko sa ate ko that time, kasi wala siyang isang salita. but still pinagbigyan ko. Iniisip ko nalang ulit na mas lalaki pa yung sahod ko next cut-off. Pero akala ko lang pala, naulit ng naulit yung nangyayari, ako pa rin yung nagbabayad, kahit di araw ng sahod basta may dumating ako pa rin ang nagbabayad. Yung utang niya nung unang sahod ko, ayun di pa rin bayad hanggang nayon.
Napapagod na ko, ako na lang lagi ang wala, ako na lang lagi ang ubos, tapos siya? Enjoy lang ng enjoy, kasama ang mga tropa niya, Order pa ng order sa online shop. Gusto ko rin naman maranasan yung mga pinaghirapan ko, yung mga trinabaho ko. Pero hindi ko magawa dahil sa kanya! Nakakainis! Ang hirap niya din kausapin, kasi ang lagi kong naririnig na sinasabi niya “Paulit-ulit, babayaran ka naman e”. Ang tanong kailan? Pag may asawa na ko? Nag decide ako na di ko na babayaran kung may dumating man na parcel, tapos magpapalate na ko umuwi pag Payroll para naman ma-enjoy ko yung pera ko. Bago ako umuwi.