Maricris 45 yrs. old, laking probinsya sa Visayas. Meron po kaming 15 Hecatares ng lupa na ipinamana saming Siyam na magkakapatid. Masaya kaming lahat kasi sigurado na na may makukuha kaming part ng lupa.
Nung una, maayos naming pinaghatian ang lupa na iyon. Pinakamalaking hati ay yung sa panganay namin, sa amin namang walo ay pantay-pantay ang hati. Lahat naman ay agree with that. Ang naging problema, hindi pa nabibigay samin yung titulo ng lupa ay binawian na ng buhay si tatay. Doon na nagsimula ang kalbaryo sa aming magkakapatid. Hindi ko lubos maisip ng dahil sa mana, lumabas ang mga tunay nilang ugali, akala ko sa mga teleserye lang to nangyayari sa totoong buhay di pala. Si kuya na panganay namin ay gusto makuha ang kalahati ng lupa namin, which is, ayaw pumayag ng mga kapatid ko at syempre ako din. Sagutan dito, sagutan doon, walang araw na tahimik sa lugar namin. Maging ang mga kapitbahay namin ay nagrereklamo na sa baranggay. Ang nakakainis pag piinatawag kami, ako at ako lang din ang umaattend. Ako na lang din ang nahihiya kasi wala akong magawa. Wala akong boses sa pamilya ko dahil pangalawa lang naman ako sa bunso.
after 4 months, naging tahimik bigla dahil yung mga kapatid ko ay isa-isang nagsisialisan sa lugar namin. Halos dalawang buwan ding tahimik ang lugar at bahay namin. Pero ito pala ang tinatawag nilang “calm before the storm”. Si kuya ay binaril ng di pa nakikilalang riding in tandem. Buhay pa naman si kuya dahil sa tagiliran lang siya binaril, di ko alam pero ang goal lang ata ng riding in tandem na yun ay takutin si kuya. Dahil doon nalaman namin na isa lang saming magkakapatid ang nag utos ng bagay na yun.
dahil sa pangyayari na yun, natakot ako kaya nag decide na ako na kunin ang 850sq/m na lupa. Di na ako naghangad ng malaki dahil baka madamay pa ako sa mga pinagagawa nila. Natatakot din ako para sa mga anak ko dahil baka madamay sila. Kaya ang ginawa ko nung nakuha ko ang titulo ng lupa na naibigay sakin ay binenta ko na agad at umalis na ako sa lugar na na yun. Nagpakalayo para maka-alis sa maingay na mundong yun.
I choose it to be safe at para sa ikabubuti rin ng pamilya ko. Ngayon ay nasa bahay ako ng asawa ko at dito kami nakatira. May mga update naman sakin ang mga kapatid ko na hanggang ngayon ay di pa rin sila tapos. Di ko alam kung kailan sila matatapos, basta ako umalis ako sa lugar na yun wala na ako hahabuli pa at masaya na ako sa kung anong meron ako. Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko. Wag lang talaga nilang gagalawin ang pamilya ko, magkakaalaman talaga kung sino ang matapang sa pamilya namin.