28yrs. old single, Pangatlo po sa apat na magkakapatid. Working as a Financial Advisor. Nag start po ang lahat nung may nagpadala po ng Demand Letter na nakapangalan sakin galing sa isang bangko. Nagulat ako kasi wala naman akong inuutangan, isa yun sa mga core values ko as an FA, ang hindi mangutang. Nagtaka ako kaya pumunta ako sa bangko para tanungin sila na baka nagkamali sila ng pangalan na nilagay. Ang nakakainis ang nung nagpunta ako, ang tagal ng service nila, ang haba pa ng pila. Naiirita na ako na gusto kong sumabog, gusto ko nang malaman yung tungkol sa utang na to. Mga ilang oras din ang tinagal bago naasikaso ang concern ko. Nangagalaiti ako sa galit nung malaman ko bat ako nagkaroon ng utang. Ginamit pala ng kuya ko ang pangalan ng Business namin para mangutang sa bagko na yun. Ang business kasi namin na yun ay nakapangalan sakin, it makes sense, pero yung umutang yung kuya ko gamit ang business namin, it don’t make sense. Nakakainis lang kasi, kung wala pang magpapadala ng DL sakin di ko malalaman na umutang siya. Pwede naman siyang magsabi sakin dahil pwede ko naman siyang tulungan. Pero tinago niya pa sakin at sa buong family.
Kinausap ko si Kuya regarding dito ng kami lang dalawa. Hindi niya maipaliwanag ng maayos sakin kung bakit siya umutang. Puro palusot na yung naririnig ko sa kanya kaya nakakarindi nang pakinggan. Kaya binigyan ko siya ng ilang minuto para naman ma-compose niya yung sasabihin niya, but still, ganun pa rin. Di ko alam kung anong reason bakit ganun siya, dahil siguro natatakot siya kasi nalaman ko kaya natatakot din siya. Kalmado ko lang tong kinukwento pero deep inside naiiinis ako that time. Di ko na pinatagal pa, tinulungan ko siya gawan ng paraan para mabayaran yung utang niya. Gumawa kami ng plan para magawa yun. Ako pa rin ang magbabayad kasi nga pangalan ko, pero babayaran naman niya sakin yun monthly.
Yun ang plano, kala ko okay na. Nakakainis lang, di pa tapos ang binabayaran niya, umutang ulit siya ng pera sa bangko, same with the last time, Pangalan ulit ng Business namin. Kinompronta ko siya about it with angry tone. Nagsagutan kami that time, lalo na nung malaman ko yung reason. Umutang siya sa bangko gamit yung business name namin para pautangin yung kaibigan niya! Sino bang di magagalit sa ganun? May utang pa siyang binabayaran na ako ang nagbabayad pag di siya nakabayad, tapos uutang pa ulit sa ibang bangko para sa ibang tao hindi sa Pamilya namin. Di ko na alam gagawin ko sa kanya. Parang gusto ko na siyag itakwil bilang kapatid. Di ko na kaya ko to kaya sinabi ko sa family namin. Pero, disappointed ako sa nangyari nung sinabi ko sa family ko. “Tulungan mo na lang muna ang kuya mo, may pera ka naman”. Shocks! Di pa ba yun tulong yung ginagawa ko. Ako yung sumasalo sa utang niya, pero anong ginawa niya? Tinutulungan ko siya pero siya yung patuloy na nagbabaon sa sarili niya.
Pagod na ko, pagod na kong intindihin si kuya. Kuya namin siya, siya dapat yung tutulong sakin pero parang baliktad, siya pa ang nagiging pabigat. Pinagiisipan ko kung pagbibigyan ko siya ulit. Pero parang ayoko na! Sawa na ko!