Lahat binigay ko sa kanila—pero nung ako na ang humingi, ako pa ang masama. Gusto ko pong i-share yung story ko. Allan, 28yrs. old. Pangatlo po sa tatlong magkakapatid, in short, middle child ako. Saming magkakapatid ako lang po ang nakatapos ng pag-aaral hanggang college. Si kuya ay highschool naman ang natapos niya. Pero 25 palang ay nag asawa na siya, kaya maaga siyang umalis sa bahay. 24 pa lang ako at graduating na rin sa college that time. Si bunso naman, ay undergrad ng college. right now wala siyang trabaho, not sure kung kailan siya maghahanap kasi 2 years na rin ng tumigil siya sa pag-aaral.

As usual sa typical family dito sa Pilipinas, mas mahal nila si bunso. Lahat ng atensyon ay nasa kanya, maging si kuya sa kanya di nakatuon. Hindi naman sa nagseselos ako, pero parang ganun na nga. Pag sakin kasi, laging hindi, pero pag kay bunso, gagawan ng paraan. Kaya nung college, napilitan akong mag trabaho para makagraduate at may pang financial ako sa mga gastusin sa school.

Pero dumating yung moment na pinapatigil nila akong mag-aral at mag trabaho na lang para matulungan si bunso sa pag-aaral niya, which is ayaw ko dahil malapit na akong grumaduate that time. Ang ending, nagalit silang lahat sakin. Para lang maayos ang lahat inassure ko sila na pag graduate ko ay tutulungan ko si bunso sa pag-aaral niya. Nagawa ko naman lahat ng mga sinabi ko at pinangako ko sa kanila, natulungan ko si bunso, pero ang ending tumigil siya. Di ko alam anong rason kung bakit siya tumigil, kasi pag tinatanong ko siya laging nakaprotekta yung mga magulang namin sa kanya. Ayaw nila ipaalam kung anong reason, pero ang gusto nila ay tulungan ko pa rin siya financially. Nalungkot ako at medyo nagtaka, like, able naman na siyang mag work, pero bakit di nila hayaan na magtrabaho? Di ba? But, still, binibigay ko pa rin yung mga pangangailangan niya.

Isang araw, dumating si kuya sa bahay, nanghihingi ng tulong sakin dahil nagkasakit ang anak niya. Di na ako nagdalawang isip na bigyan siya ng pera pampagamot. Isa din sa kinalungkot ko, nung binigay ko na yung pera, wala man lang ako narinig na isang thank you. Bigla na lang siyang umalis, pero iniisip ko na lang na baka nagmamadali na talaga siya at emergency na. Pero naulit-ulit ang paglapit niya sakin nung nanghihingi siya ng pampabirthday niya sa asawa niya. Hindi ko binigay, like asawa niya yun, di ko asawa yun, dapat siya ang may obligasyon doon. Okay lang naman for me, pero “Hingi” kasi yung term niya, okay lang sana kung Pahiram e. Pero ayun, binigyan ko pa rin kahit magkano, pero ganun pa rin, walang thank you.

Last year, nag decide ako na magbakasyon muna ng dalawang linggo sa isang beach dito sa Pilipinas. Gusto ko lang din makapagpahinga dahil sobrang overwhelm ako sa trabaho. I make sure naman na tapos lahat ng gawain ko sa work, para naman masabi ko na “Deserve ko to”. I want it solo para naman makapag focus talaga ako na makapagpahinga talaga. Pero ayun ubos lahat ng VL ko. Nagpaalam ako sa family ko pero pinigilan nila ako. Napatanong kung bakit. Ang sagot nila, paano daw kung nangailangan yung kapatid kong bunso at yung kuya ko. Wala akong naging response kung “Hah?” na mahaba. Nagulat ako literal. Bakit parang obligasyon ko na sila? Si kuya alam kong kaya na niya kasi may pamilya na siya, si bunso naman ay 25 na, kaya na niyang magtrabaho, which is wala nga. Pinaliwanag ko naman ng maayos sa kanila na kailangan ko lang magpahinga dahil pressure na pressure na ako at gusto ko lang huminga. Inilabas na nila ang Parent/Pamilya Card at yung Magic word nila “Pamilya mo kami, nanay mo ko. Wala ka bang utang na loob? Pinalaki ka namin at pinagtapos ng pag-aaral” at many more. Shocks! Sa mga sinasabi nila, I feel that the sacrifice and effort are not been appreciated. Lahat naman binigay ko sa kanila. Walang palya ang pagbibigay ko sa kanila, dalawa pa nga yun, Sa parents ko at sa kapatid ko. Pero, parang di pa rin enough. “Pag sila pwede, pag sakin hindi” yan na lang yung lumabas sa mga bibig ko. Nag request lang ako, 2 weeks lang! Hihinga lang! Ayaw pang pagbigyan. 28 na ako. Kinukulong pa rin nila ako. Pinagbabawalan pa rin. Hanggang sa nagalit sila sakin., pati buong pamilya namin nagalit sakin. Itinakwil ako ng mga kapatid ko na pinagsisihan daw nila na naging kapatid nila ako. Binigyan ko lang daw sila ng pera para ipamuka sa kanila na may pera ako. Pinaghirapan ko naman to, trinabaho ko to. Binibigyan ko sila dahil nangangailangan sila at kaya ko ibigay. Pero kailangan ko din to, kailangan ko rin naman gamitin to para sa sarili ko. Sabay walkout. Wala na e, ang taas na ng emosyon ko.

Ang ending, nag bakasyon ako ng 3 weeks. Dinagdagan ko na. Imbis kasi na trabaho lang, dumagdag pa sila sa stress ko. So far, hindi ko naman pinagsisihan yung pagbabakasyon ko. Nakapagpahinga ako at nakahinga ako. Di man totally na wala ang lahat ng stress. Nagkaroon naman ako ng time na i-enjoy ang mga pinaghirapan ko. Baka nagtatanong kayo kung naubos ko lahat ng pera ko. Hindi po. Malaki pa naman po yung sa Emergency funds at investment funds ko. Naglaan po talaga ako ng pang travel funds ko. Ngayon nagpaplano naman ako na buong family naman ang magbabakasyon. Kung kailan yun? Hindi ko pa alam

Sa mga middle child dyan na same ng nararanasan ko. Laban lang. Don’t forget to rest. Kung ang rest mo ay travel go. Find your peace for time to time. You need it.