Hello po! 20f, may boyfriend po ako na isang professor sa isang College dito po sa Manila. Ngayon po ay isa ako sa mga studyante niya. Maayos naman po ang relationship namin, just, I’m Struggling to hide it in our Campus. Hide and Seek ang Tema para makapag date kami. But, I think alam na po ito ng halos lahat ng professor doon sa campus namin.
Nagbago po ang lahat nung nakakuha ako ng 2.25 na grade sa subject niya. Dean Lister pa naman po ako at isa rin po ako sa mga scholar sa Munisipyo namin. Isa kasi sa mga requirements para ma-maintain ko ang scholarship ko ay dapat po hindi bababa ng 1.75 yung grade na meron ako.
kaya po nakiusap ako sa boyfriend kong prof. na kung sana ay pwede pa mabigyan ng kunsididerasyon. Nakailang pilit ako sa kanya, yun lang naman kasi yung pinagkukunan ko ng funds para makatapos ako ng pag-aaral ko. Kaya ayun, naawa siguro siya kaya pumayag din, kaso nabigla ako sa sinabi niya. May kundisyon pala. Ang gusto niya ay may mangyari samin para mabago niya yung grades ko.
Kaya iniisip ko that time kung i-go go ko ba. Syempre, I need that grade para makagraduate ng college, may mga pangarap pa ako sa buhay. Di pa ako nakapag decide nung bigla na lang siyang yumakap sakin. And to make the story short, may nangyari na samin. I’m in shock that time, it’s my first time doing it tapos sa ganong sitwasyon pa. Halo-halo ang emosyon ko that time but wala e, it happened na e, and I’m accepting it. Ngayon ay parang naging normal na lang ang may mangyari samin. May mga time na ako mismo ang nagiinsist na may mangyari. But I realize na may mali na, parang hindi na ako to. Gusto kong itigil na ang relationship namin, but I don’t have the courage to do it. I’m scared of what will happen kapag itinigil ko. Ayokong ma feel na mag-isa ako. Still, gusto kong magbago, pero takot ako sa pagbabago.
Ayun lang po,