Hello po, Itago niyo na lang po ako sa pangalang Chad, 24 yrs old po. Meron po akong nakarelasyon last year, 1st girlfriend ko po siya. Okay naman po yung simula relasyon namin. Marami po akong naranasang 1st sa kanya. 1st date, 1st kiss, 1st hug, at 1st out of town. Lahat naman po ata ay naibigay ko sa kanya, may mga time nga po na ako yung nagbayad ng tuition niya sa college. Sinuportahan ko siya sa bawat plano niya at mga gusto niyang gawin.
But, i think there is something wrong. Padami ng padami at palaki ng palaki yung mga hiningi niya, na yung iba ay hindi ako pumapayag. Sa ibang bagay naman kasi lalo na pag gusto niya, ipipilit niya talaga. Kapag humindi ako ang sasabihin niya lagi “Di mo na ba ako love?”, “Ito lang naman e, ibabalik ko sayo agad(which is di naman nangyayari kahit isa)”. Minsan ito pa nga yung pinagaawayan namin dahil hindi niya talaga ako mapilit. May nangyari nga one time na 2 months siyang hindi nagparamdam dahil hindi ko siya napagbigyan. Papansinin niya lang ako pag may kailangan siya, pero pag wala, dedma.
Pero sa 2 months na yun, dun ko narealize, kailangan niya lang pala ako dahil may pera ako at nabibigay ko yung mga bagay na gusto niya. Pero pagwala akong pera, parang wala lang ako sa kanya. Kaya nagulat ako nung one time na dadalawin ko sana siya sa bahay nila. Papasok pa lang ako sa gate nila, nakita kong siyang may kayakap, ang masakit pa nun ay hinalikan niya pa.
Di ko alam kung anong nararamdaman ko nung mga oras na yun. Tinitigan ko lang sila, nagbabakasakali na makita nila ako. At sa wakas, nakita niya rin ako, pero ang masakit, na imbis itigil, tinuloy pa niya. Dun po ako umiyak, kasi narealize ko na, hindi ako enough para sa kanya. Nasaktan ako dahil kahit nabigay ko yung best ko ay nagawa niya pa rin sakin yon. But, still, pinanood ko pa rin sila hanggang sa itinigil niya na lang kusa. Nung papalapit na siya papunta sakin, doon na ko umalis. Hanggang ngayon wala na po akong balita sa kanya. Kung mababasa niya man ito, I hope na masaya ka at salamat sa mga 1st na nangyari satin.