Hi po. Tawagin niyo na lang po akong Mika, 24yrs old, Female. Graduating student na po ako this year as an Engineer Same with my BF. 2 years na po kami ng Jowa ko. Okay naman po kami sa relasyon namin, masaya at kuntento po sa kung ano ang meron kami. May kaunting away pero naayos naman agad. Hindi naman din po ako maluho sa mga date namin, kasi I know studyante pa lang kami at wala pa kami halos pera, kaya naman nagiinsist ako na maghati kami sa binabayaran namin sa mga date namin. Kaya happy po ako. Nung una sinabi ko sa sarili ko na yung bf ko na yung taong papakasalan ko. I want to create a future with him.

But, something changes nung pumunta po ako sa kanila. SHOCKS! Grabe dun po ako nakakita ng TDH! Tall, Dark, and Handsome. Literal po na dun ko naranasan yung pagbagal ng oras. Talaga pong tumulala po ako ng sobra dahil sa sobrang gwapo niya. Sa lakad pa lang po kasi ay alam mong may dating na, tapos nung ngumiti pa, like ang lakas makahila ng dimples niya. Natauhan lang po ako nung nasanggi ako ng boyfriend ko. Naalala kong May Jowa pala ako. Pero simula po nun, siya na po lagi ang hinahanap ko tuwing pupunta ako sa bahay ng Jowa ko. Para kasing kulang kapag di ko siya nakikita.

At ito na po, Nagkaroon kami ng moment together, ALONE! May pinuntahan kasi yung Jowa ko sa bayan. Grabe yung kilig ko that time, ito na kasi yung pinapantasya ko lang sa isip ko, pero ito na siya. THIS THE MOMENT! Pero shocks, pinagpapawisan yung mga kamay, ang akward, wala kaming mapagusapan, yung feeling na nagtitinginan lang kami. Nawala lang yung akward moment na yun ng magtanong siya kung kamusta yung pag-aaral namin at kung ready na ba kami grumaduate. Sinagot ko naman yung mga tanong niya, sinabi ko rin na kinakabahan din ako na baka di ako makagraduate or kung makagraduate man ay saan ako magaaply. Humaba na rin yung usapan namin, kaya ang saya ko that time. Hangang sa dumating na yung jowa ko. That time naisip ko na dapat di na siya dumating e. Ramdam ko yung dissapointment kasi kulang pa, I want more. So, dahil dun, tinuloy po namin yung usapan thru chat without my boyfriend knowing it.

Dumaan po yung mga araw, patuloy pa rin po yung mga pag chat namin sa isa’t isa. Nalaman ko po na 10 yrs lang po ang tanda niya sakin. Habang nakikilala ko po siya, doon po unti-unti nahuhulog ang loob ko sa kanya, which is i know na mali. Hanggang sa ininvite po kami ng tito ng bf ko na lumabas. Ginala niya kaming dalawa ng bf ko kung saan-saan. Normal naman po yung nangyari that time, pero bitin pa rin po, kasi wala kaming moment ng tito niya. So, nagkaroon po kami ng part two, kaming dalawa lang po, hindi po alam ng bf ko na may gala kami. Kumain kami sa mga mamahaling restaurant, ang saya kasi 1st time ko lang po maranasan kumain sa mga ganung klase ng place. Pumunta kami ng amusement park, naglakad-lakad. Pero, pagdating po ng gabi, bigla pong lumakas yung ulan at pareho kaming nabasa ng ulan, kaya nag decide po kami na maghanap muna ng place na pagtutuluyan. Nakakita naman kami ng malapit na motel, kaya dun po kami nagpatila. Habang nagpapatuyo po, nag decide po ako na maligo, ang hirap kayang magkasakit. So, naligo po ako at pinatuyo ko na rin po yung mga suot ko. Habang naliligo po, naisip isip ko nun, grabe yung moment na to, kaya grabe yung saya ko. Habang iniisip ko po yun ay bigla pong pumasok sa cr si tito. Nagulat po ako nun that time, di ko po expected na papasok siya. Speechless and scared that time, but my body reacts what it wants po. Kaya ayun, may nangyari po samin. May halong disappointment dahil ang akala ko po kasi namagiging 1st ko ay ang bf ko.

Hanggang ngayon may nangyayari pa rin samin ng tito ng bf ko. Hindi aware yung bf ko sa nangyayari, di ko kayang sabihin kasi nageenjoy rin naman ako. Ayokong iwan sila parehas, kasi napamahal na ako sa kanilang dalawa. Sa boyfriend ko, may mga pangarap pa kaming bubuoin at sa tito naman niya ay dito ko nakukuha ang happiness ko. Alam ko pong mali yung ginagawa ko, kaso ayoko pong magalit sakin yung bf ko, lalo na kapag nalaman niya ang lahat. Habang palapit ng palapit po kasi ang graduation namin, nafefeel ko po na magpopropose na siya sakin. Ayoko naman mag yes sa kanya, pero patuloy ko pa rin tong ginagawa.