← Browse stories

“Pinagpalit ako ng Husband ko kasi mas maganda at sexy ang bestfriend ko”

Apr 20, 2026

Estimated reading time: 2 minutes

Hello po, Itago niyo na lang po ako sa pangalang Mich. 25 na po ako at kinasal po ako 2 years ago. Dati-rati laman ako ng kabikabilang pageant. May time na nananalo, may time naman na natatalo. Pero pinakalast na sali ko ng pageant, nakilala ko si Drew. Ang bait niya sakin kaya paunti unti nahulog ang loob ko sa kanya. kaya after year and a half, nanligaw siya sakin. Sinagot ko naman siya after half a year. then after kinasal na kami.

Pero sa Kasal namin na iyon, may namumuo na pala na hindi ko alam. Yung Bestfriend ko nalilink na pala siya sa husband ko nung time na kinasal ako. Ang galing, no? Di ko alam magaling sila magtago o sadyang ang bobo ko lang. Sa loob ng 2 years na iyon di ko man lang napansin.

Nalaman ko na may relasyon at may nangyayari na sa kanila nung onetime na nag inuman kami sa bahay namin. Maaga akong natulog nun, dahil mahina talaga ako pagdating sa alak. Kaya umakyat na ako sa kwarto. Ang laki ng tiwala ko sa kanila, kaya pinabayaan ko sila.

Nagising ako ng mga 1am. Di ko alam kung bat ako nagising ng ganyan oras. Bumaba ako, sa hagdanan pa lang narinig ko na. May nangyari na sa kanila. Ang sakit makita na yung Asawa ko at ang bestfriend ko ay sarap na sarap sa ginagawa nila. Ang masakit pa nun, nakita nako ng bestfriend ko, pero imbis na itigil, tinuloy pa rin nila. Mas lalo akong nasaktan sa nangyari. Yung Bestfriend na pinagkatiwalaan mo ay titignan ka habang may nangyayari sa kanila ng asawa ko. Gusto ko silang lapitan pero hindi ako makagalaw, gustuhin ko rin mang sumigaw pero walang lumalabas. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil di ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.

Ano bang pagkukulang ko? Inaamin ko tumaba ako pero di naman ako ganun kataba. Porket mas sexy at mas maganda yung bestfriend ko. Di ako magaling sa kama, pero anong reason? bakit?

More from PhilUpdate

Share your story →