← Browse stories

“Gagraduate akong May 5M na utang”

Apr 20, 2026

Estimated reading time: 3 minutes

Hello po! 24yrs. old Male po. Graduating student po ako this year and I’m sure na may latin honors po ako. Excited na nga po ako kaya ginagawa ko yung best ko to graduate at makakuha ng magandang grades. For the future! Ilang months na lang, Hello World na! Hello Reality! Sheeesh!

Ang saya di ba? Pero akala ko lang pala. Nalaman ko po kasi na meron pala akong problema na bigla na lang lumabas. Ginulat ako bro. I’m not expecting it to happen. I’m just a diligent, intelligent, and hardworking student. Pero malalaman ko na may utang pala ako! Wala pa ko sa world of professional, pero ito na agad? Wala pa nga sa exit ng college. So, kung paano ko nalaman na may utang ako, last month kasi may naghatid ng letter sa bahay. Walang tao that time, so ako yung nag receive. Upon checking it, nakita ko yung pangalan ko. Curious ako kasi name ng bangko, na temp akong buksan kasi baka nga nanalo ako ng or something gift na ibibigay sakin parents ko for my graduation. Nung binuksan ko, Shocks! Hello World! Nananalo nga ako! Nanalo ako ng 1.2million….. na utang! Take note, Utang. Nagulat ako kasi paano ako magkakautang, hindi pa nga ako nakakagraduate, the same time wala naman akong inuutangan. Di ko maintindihan kong anong nangyayari. Ang dami kong tanong sa sarili ko, pero isa lang ang paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. PAANO?

Kinagabihan kinausap ko ang parents ko about this, and I’m kind of disappointed sa reaction nila, like they expecting it to at any moment. Ready sila sa situation na yun. Nagpaliwanag sila sakin. Nalaman ko na hindi lang pala 1.2 million ang utang ko, it’s 5.4 million, kasama na ang lahat ng interest. Tinanong ko kung saan ginamit, for business daw. Di ako naniwala, kasi wala naman kaming business. So, tinanong ko sila ulit. Nalaman ko na may utang pala sila na hindi ko alam, at di nila mabayaran yun. Kaya ang ginawa nila ay ginamit yung pangalan ko para umutang at bayaran ang utang nila. Kapag malapit na yung bayaran sa ibang utang, uutang ng panibago at ayun ang ipangbabayad. Paulit-ulit lang ang ginawa nila hanggang sa lumaki yung utang. Tinapos ko yung gabi na yun na nagwalk out ako at nagpunta sa kwarto ko. Wala po kasi akong magawa kundi ayun lang.

Right now po, di ko alam ang gagawin ko, di pa ko nakakagraduate, pero ang dami ng problema. Next month po, haharap po ako sa korte para harapin yung mga inutangan namin, para mapagusapan kung anong gagawin sa mga utang, kasi kung hindi masesettle yun may chance na makulong ako. Nabobroken po ako kasi parents ko pa yung gumawa nun sakin ng ganun. Okay naman po sana kung sinasamahan nila ako sa pagharap sa korte, pero wala po e, wala sila doon. Yung ibang kausap ko po at mga contacts ko po dito sa case na to ay yung ibang lawyer at yung mga may similar cases po ng tulad sakin. Pero parang ayoko na po kasi. I Just want to end it! I’m tired! Di ko na kaya! I just want to rest. Di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para lumaban.

Ayun lang po, Thank you po.

More from PhilUpdate

Share your story →